Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol,Pilipinas. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turistasa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayanng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.
Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Ingles: Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo". Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.
Ang Bayan ng Bangui ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 14,327 katao sa 3,055 na kabahayan. Sa bayan ng Bangui matatagpuan ang pinakaunang windmill farm na gumagawa ng kuryente sa bansa. |